Thursday, August 07, 2008

Give me Prozac

Grabe badtrip talaga nitong mga nakaraang araw. Ang daming ginagawa sa school, halos lahat ng uwi ko ngayon puro gabi. Swerte nang makarating ako sa bahay ng 7. Tapos, nakakairita pa mag-commute. Hindi na ako natutuwa ah. Nakakabaliw maghintay nang nakatayo ng ilang oras tapos hayyy.

Shit talaga. Sarap mag-rant kaso wag na. Argh! Gusto ko sumigaw sa gitna ng malaking field! Gusto ko matulog ng isang buong araw. Gusto ko mawala na eye-bags ko. AYOKO NA MAGING PROCRASTINATOR! Nakakapagod nang magmadali, araw-araw ko na lang tinatakbong-palakad ang EspaƱa hanggnag 3rd floor ng main building.

Nakakainis noh.

Buti na lang nung Monday at kahapon (Wednesday) mejo may nagpa-okay sa akin. Haha!

Pero hindi pa rin eh. Nakakaburaot pa din! Ewan ko ba, may theory ako eh. Lahat tayo innate ang pagiging Masochistic. Lahat tayo gusto natin masaktan, we are just not fully aware of it, or of course, as a rational being who is psychologically healthy, aaminin mo ba? Hindi syempre.

Hmmm I wonder why?

Pero napapansin ko ganun ako, ikaw, siya, lahat tayo. Daming examples eh! Nakakatamad nang i-enumerate. Tsaka WALA ako sa mood, okay? Tska prelims na namin sa Monday. Haha! Connection?

2 comments:

  1. college sometimes really s*cks!!! haha! and yeah Procrastination is a stealer of time.. but it's like i'm a twin of that! hahaha!

    ReplyDelete
  2. Hahaha! We can't help it. It sucks but it feels good at the same time.

    Kainis pa internet eh, lalo na when you're researching for something tapos mapapa-multiply ka, and before you know it, SIDE-TRACKED ka na.xD

    ReplyDelete