Saturday, December 13, 2008

Pagbigyan


Unti-unting nalilito, 
pilit iniisip kung kelan nagsimula
at bakit nagtagal ng ganito 
ang larong sa umpisa 
ay dapat walang katuturan 

na isang kathang-isip lamang 
ngayo'y bumabagabag 
sa sulok ng pang-unawang 
hindi magawang punan ng sagot 

kung bakit tuwing nakikita kang masaya 
kasama ang iba 
hinihiling na ako sana 
ang nasa katayuan niya 

ngunit sa oras na tayo ay magkasama na 
o sadyang para bang 
hindi na makapagisip ng tama.

No comments:

Post a Comment