Friday, February 06, 2009

Hush Baby Your Words Ring In My Ear

Ang pinaka ayaw ko sa lahat yun taong hindi marunong sumagot. May tanong na mahirap, kelangan pag-isipan; meron din namang kahit di mo na paganahin ang iyong sentido kumon, masasagot mo. Pero meron pa ring mga ibang taong pilit na ginagawang komplikado ang isang simpleng bagay at pilit pinaiikot-ikot ang isang diretsong tanong.

Madaling maubos pasensya ko sa mga ganyan. Hindi ko tinatangging ganyan din ako paminsan. Pero hay ewan. Madaming sikreto sa mundo. Mas maraming katanungan kumpara sa sagot. Ang mga bagay na nais mong iparating ang paminsang pinakamahirap sabihin. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Haha. Pero yun talagang iba. Ewan. Hay nako. 

No comments:

Post a Comment