Wednesday, February 04, 2009

Kokology and then some

Maraming nangyari nitong mga nakalipas na araw. Madalas na uwi ko gabi na, pagod, pagkauwi plakda sa kama nang walang laman ang tiyan. Hehe. Di naman, sa totoo nga eh bulsa ko ang onti-onting nabubutas dahil walang laman. Haha!

Pero nitong linggong ito, masaya ako. Iba ang pakiramdam kapag pumapasok ka sa eskwela hindi dahil mag-aaral ka, tatambay ka lang! Haha! Sarap eh. Laging nakakatuwa. Kasama mo sila, tatawa, kakain, kukuha ng litrato, mag-aasaran, mag-uusap ng seryoso--tulad na lang ng walang sawang diskusyun tungkol sa pag-ibig. Haha! Ano ba alam ko diyan? xD

Kaya laking gulat ko na lang ng kamakailan lang eh, nakausap ko yung isa kong kaklase. Sabi niya sakin, ang aga daw niyang dumating, mga ala-una yun ng hapon at alas-dos pa yung papasukan niyang "alternative class". Tanong ko naman bakit ayaw mo nagst-stay sa school. Ang sagot, "Nakaka-inip kase eh, sayang pa sa pamasahe."

Hehe. Natawa na lang ako sa sarili ko. Tama naman siya eh, nakakainip naman talaga, sayang sa pamasahe lalo na kung nanggaling ka pa sa kung saan. Malamang nakakainip nga PERO yun eh kung ikaw lang mag-isa.

Pero kung kasama mo yung mga kasama ko nitong mga nakalipas na araw, hay, papangarapin niyong matagal pa bago bumalik sa hinaharap at mag-aral ulit. Haha!

Isang malupit na araw nanaman bukas. :P

No comments:

Post a Comment