Friday, July 17, 2009

Lahat tayo kung minsan ay nagkukunwari.

Naisip ko ang pagiyak ay di na gaya nung tayo ay bata pa na reaksyon lamang pag tayo ay nadapa o pag ayaw ibagay ang gusto natin. Ngayon, para sa nakakarami, tila pahirapan pa sa pag-iyak, na para bang ito na lang ang huling nararapat gawin. Lumuluha tayo ngayon para gumaan ang pakiramdam di tulad dati na dahil tayo ay nasugatan. Ganito na ba pag tumatanda. Nagmimistulang mga balde na naghihintay mapuno bago umagos?

4 comments:

  1. Lumuluha ang tao kapag hindi na nito kayang dalhin ang kanyang pinapasang saloobin. Ika nga'y tila parang baldeng pinapasan na unti unting napupuno, at sa bawat maling hakbang ay may luhang umaapyas at nahuhulog sa lupa. Gagaan lamang ito kapag iyong binahagi sa iba ang iyong pinapasan.

    ReplyDelete
  2. Oh Towi, natatandaan mo pa ba kung kelan ka huling umiyak?

    ReplyDelete
  3. Hindi na. Marahil ang aking baldeng pinapasan ay mas malalim kung itutulad sa iba. Kung iyong nais, ay hihingiin ko ang karangalan na makibahagi sa iyong pinapasan. *naubusan ako ng tagalog*

    Share naman jan! may space pa naman yung balde ko e. hahaha.

    ReplyDelete
  4. Kung ispasiyo lang naman ng balde ang paguusapan, maramirami pa din naman ang natitira sa akin. Hayaan mo't ibuhos ko ang aking pinapasan ng mag-isa sapagka't sa bandang huli, ang damdamin ko'y gagaan din. WAHAHA!

    ReplyDelete