Friday, December 11, 2009

Dreams come true. CHOS! XD

Through Thick and Thin

I'm in the mood to tell stories. Photo courtesy of Ruthee.

The night before, pinagusapan namin ng mga group mates ko sa Test Con na magkikita kami sa school ng 9 am. Natulog ako around 3 the following morning, at nag-alarm ng 7. Nagising ako sa alarm, for the first time! Yehey, maaga akong makakarating sa school, I thought. So nagpainit na ako ng tubig and slept a little while I waited for the kettle to whistle (?). LOL. The thing is, when I woke up, it was already past 9 at nung chineck ko yung langyang kettle, ayun nagboboil pa rin ang loko. Badtrip.

So tinext ko kagad sila Ruthee at Hannee at Marko. Hey Kakagising ko lang patawad. PJ, Kayle and Raf texted din. Dahil di niyo lang alam itong araw na to ay isang mahalagang parte ng buhay ko. Haha! After two hours, I arrived at school, I had 5 people waiting. +_+ Grabe konsensya ko; so we had lunch at Wnedy's first before we went to Quiapo. Dahiiiiil, sa pagdating namin sa Quiapo, nakipagsapalaran kami sa amoy ng daing at polusyon para marating ang aking pangarap.

Alam niyo, habang naglalakad ako kasama sila Raf, Kayle at PJ at habang papalapit ng papalapit na kami sa aming hahatungan, nasa isip ko, Is this really it. I'm finally living the scenes I've been playing on my mind ever since. No turning back, no time to think. Eto na talaga to. And fast forward to when I have actually held the Nikon f60 on both of my hands, wow, I thought, I've never handled anything so fragile before. Haha!

So Shadow finally came to my life. HAHAHAH! Ang drama, tama na. Basta masaya ako. At ewan ko ba kung bakit nung di ko pa siya nabibili parang excited na excited ako sa mga bagay na pipicturan ko PERO nung hawak ko na siya, oh my, sayang yung film, wait lang! :))

Hay, as much as I want to share my happiness to those around me who are down... ayaw naman nila eh. Oh well, this too shall pass.

1 comment:

  1. dapat ikwento mo din yung dialogue mng panalo! :D

    ReplyDelete