Sunday, December 11, 2005

Mood Swings

Monday na ulit, badtrip I feel kind of sick, bloated and...crazy. The hell? Wala kaming ginawa the whole day kundi mag-wasto ng test papers. So far naman wala akong bagsak, maliban na lang dun sa pamatay na geometry test na isa nanamang 'palakol'. Akala ko makakabawi na ako sa perodical pero tsk tsk.

My neck aches, my throat sores, my eyes are watery and I feel like catching forty winks. Symptoms 'to ng laganat right? Argh. Hirap pa namang magkasakit. Back to regular skul sched na ulit. Lessons resumed, magkakaroon ata kami ng 'mini sembreak' sa friday till November 7 pero I'm not sure yet. Pero sana at least 1 week lang naman.

Malapit na sanang maging perfect start ng week tong araw na ito pero katulad ng sipon, sobrang nakakahawa ang init ng ulo ng mga tao sa paligid. Ultimo kaliit-liitang bagay pinoproblema, kinasasama ng loob, kinasisimangutan, kinaaasaran. Gawd, when will this ever gonna stop? I mean, alam ko di ko naman masisisi kung yun yung nararamdaman ng taong yun pero hindi ba dapat ang mga ganoong bagay hindi dinadala sa labas, hindi ini-exaggerate? Whatever bitterness you have at home, when you go out, leave them at the doorstep. Not too much though, baka sumobra.

I'm beginning to get more and more confused and tired of understanding it.

May tatlong malulusog na zits pa ako ngayon...isa sa magkabilang pisngi at isa sa noo. Tandaan nyong wag magpapalate ng tulog at always drink water. Super hectic naman kasi ng month na ito eh.

Ahh mood swings...

No comments:

Post a Comment